
Tampok ngayong Sabado sa "Batugan" episode ng Wish Ko Lang ang naranasang hirap ng pamilya ni Marife, isang biyuda na muling nagmahal pero sa maling lalaki. Bibigyang buhay ni Lara Quigaman ang kuwentong ito.
Pilit na inintindi ni Marife (Lara Quigaman) ang kinakasamang si Allan (Ryan Eigenmann) kahit na madalas itong uminom at walang ginagawa sa bahay matapos na mawalan ng trabaho.
Pero sa kabila ng pag-intindi, ang hindi alam ni Marife ay nagagawa pa ni Allan na bugbugin ang kanyang ina at anak nang palihim.
Huwag palampasin ang "Batugan" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, July 23, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: