
Ikinuwento ni Kapuso actress Sanya Lopez ang mga naipundar matapos ang success ng hit series na First Yaya at sequel nitong First Lady.
Sa isang press interview, masayang ibinahagi ni Sanya na mayroong "napuntahan" ang kinita niya sa nasabing shows.
"Yes po, mayroon po talaga. Actually po, First Yaya dumating sa akin may bahay na ako. Pero hindi ko alam kung saan ko kukuhanin 'yung pambayad ko nu'ng umpisa. Pero lahat po ng kinita ko roon sa First Yaya napunta talaga rito sa bahay," sabi ni Sanya. "Tapos ito pong First Lady mayroon po akong biniling lupa."
Ayon kay Sanya, mahalaga para sa kanya na makapagpundar gamit ang kanyang mga pinaghirapan. Aniya, "Laging nasa isip ko lang na anuman ang mangyari dapat lahat ng mga kinikita ko, lahat ng mga nagagawa ko mayroon [mapupuntahan].
"Kasi nakaka-inspire din po siya, kumbaga nakakadagdag inspirasyon na 'Ay, nakikita ko na 'yung mga pinaghirapan ko.' Totoo po 'yun. At tsaka mas lalo kang ginaganahan."
Samantala, inilabas na ang debut single ni Sanya under GMA Music, ang "Hot Maria Clara," na agad na pumangatlo sa iTunes Philippines chart.
KILALANIN SI SANYA LOPEZ DITO: