Nitong April 21 ay sinimulan na ang masayang birthday celebration ni Regine Velasquez-Alcasid kasama ang mga bisitang sina Gabby Concepcion at Mark Bautista.
Nagkaroon ng masayang birthday celebration ang nag-iisang Asia's Songbird at Cooking Diva na si Regine Velasquez-Alcasid sa 'Sarap Diva' nitong April 21.
Isang throwback ito sa childhood memories ni Regine at ng mga kapitbahay niya dahil nakasama sa celebration si Manang Bola ng 'Batibot.'
Ang guwapong aktor na si Gabby Concepcion ang naghatid ng birthday cake ni Regine.
Nagkaroon din ng duet sina Regine at Gabby.
Isa pa sa mga bisita ni Regine ay si Mark Bautista.
Hindi nagpahuli ang OPM hitmakers na sina Regine at Mark sa isang duet.
Sundan ang second episode ng birthday celebration ni Regine Velasquez this April 28 sa 'Sarap Diva!'