GMA Logo PPop SB19
Photo by: SB19Official
What's Hot

SB19, may upcoming at bagong projects na pinaghahandaan

By Aimee Anoc
Published July 27, 2022 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

PPop SB19


Mas mature at level up na SB19 daw ang mapapanood, soon!

Naghahanda na ang sikat na P-pop boy group na SB19 para sa mga susunod nilang proyekto.

Sa interview kay Lhar Santiago, sinabi ng SB19 na magiging abala ang kanilang grupo simula Agosto hanggang katapusan ng taon. May mga pinaplano na rin daw ang SB19 para sa kanilang international fans.

Bagamat wala pang inilalabas na ibang detalye tungkol sa kanilang upcoming projects, ang sigurado raw ay mas mature at level up na SB19 ang mapapanood ng kanilang mga tagahanga.

Ibinahagi rin ng SB19 na marami nang nagbago sa kanilang buhay pero nananatili ang kanilang "passion" para sa trabaho.

"Marami na po kaming napagdaanan sa group and as an individual, marami na kaming na-experience. Sa journey na 'yun, there a lot of things na we learned. There are failures, maraming failures na naranasan namin and success. Kung ano 'yung sa tingin namin na nakatutulong sa amin, siyempre ina-apply namin 'yun," sabi ni SB19 member Ken.

Kamakailan lamang nang mapasama ang SB19 sa listahan ng Teen Vogue para sa 33 Favorite Boy Bands of All Time kung saan nakasama nila ang K-pop superstars na BTS, SHINee, EXO, at BIGBANG, gayundin ang ilan sa sikat na western groups na The Beatles, *NSYNC, Backstreet Boys, at Westlife.

MAS KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP SB19 DITO: