GMA Logo Alden Richards and Bea Alonzo
What's Hot

Alden Richards, 'happy and honored' to be Bea Alonzo's 'Start-Up Ph' leading man

By EJ Chua
Published July 28, 2022 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Bea Alonzo


"I was given an opportunity to work with my idol, parang ganun po ang dating." - Alden Richards

Bukod sa kabi-kabilang mga proyekto, abala rin si Alden Richards sa taping ng upcoming GMA drama series na Start-Up Ph.

Ito ang kauna-unahang serye na pagbibidahan nina Alden at ang tinaguriang This Generation's Movie Queen na si Bea Alonzo.

Sa katatapos lang na media conference para sa naturang show, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star ang naging reaksyon niya nang malaman niyang makakatrabaho niya si Bea sa Philippine adaptation ng hit Korean series.

Pagbabahagi ni Alden, “Siyempre happy and honored. Ang dami namang leading man dito sa GMA and ako ang nabigyan ng opportunity to be the first leading man na makatrabaho ni Bea. Sana happy din si Bea sa desisyon niya to have me as her first leading man.”

Bago pa ito, mayroong inamin ang Kapuso actor, “Hindi naman po lingid sa kaalaman ng iba na sobrang fan po ako ng John Lloyd (Cruz)-Bea (Alonzo) love team before pa po ako magsimula sa showbiz.

"Sa totoo po talaga, sa kanila lang po ako na-starstruck sa buong buhay ko, ganun po ako ka-fan. Few years after, I was given an opportunity to work with my idol, parang ganun po ang dating. Iba rin 'yung experience. As I go along dito sa showbiz na 11 years na po akong nandito, and patuloy pa rin po 'yung pagtupad ni Lord sa mga pangarap ko. Ito nga po 'yun, which is Start-Up Ph, na nagkaroon ako ng chance to be paired with Bea Alonzo.

“This is also a nice way to really launch our first team up sa isang serye. Magaling 'yung pagganap ni Bea sa role niya as Dani. Actually, nasa kalahati na po kami, we're almost done sa pag-film po ng Start-Up Ph. Nung nakikita ko po 'yung mga eksena, tinatahi ko na po siya sa isip ko and sabi ko, I think this is the right project for a launch. So, happy po ako with this project,” dagdag pa ni Alden.

Abangan ang tambalang Alden at Bea sa kauna-unahang drama series na kanilang pagsasamahan na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: