
Isa si Faith Da Silva sa Kapuso artists na gustong maka-collaborate ni Lolong actress Arra San Agustin.
Sa isang press interview, sinabi ni Arra na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang maka-collaborate si Faith dahil sa ganda ng boses nito.
"'Yung boses niya parang lounge, alternative, na parang hinihele ka rin," pagbabahagi ng aktres.
Ayon kay Arra, gusto rin niyang i-cover ang hit song na "Muli" ni Ace Banzuelo at ang mga kanta ng Up Dharma Down.
Sa Biyernes, July 29, ilalabas na ang kauna-unahang single ni Arra under GMA Playlist, ang heartbreak song na "Hanggang Dito Na Lang."
Mapapakinggan ang "Hanggang Dito Na Lang" sa iTunes, Apple Music, Spotify, at sa iba pang digital music streaming platforms worldwide.
TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN DITO: