GMA Logo Adrian Lindayag
What's Hot

Trans woman na namatayan ng ama dahil sa scam ng kaibigan, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 2, 2022 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Adrian Lindayag


Isang bagong simula ang handog ng 'Wish Ko Lang' para kay Frances, na nawalan ng ama dahil sa panloloko ng kaibigan.

Nasaksihan noong Sabado sa "Scammer Friend" episode ng Wish Ko Lang ang panlolokong sinapit ni Frances (Adrian Lindayag) mula sa kaibigang si Jem (Jenzel Angeles).
Inside link:

Sa kabila ng pagtitiwala sa kaibigan, hindi inakala ni Frances na magagawa siyang lokohin ni Jem, na nakipag-chat sa kaniya bilang si Boyet (Neil Coleta), ang crush niyang lalaki, at hiniraman siya ng malaking halaga.

Nang malaman ang panloloko ng kaibigan, sinamahan si Frances ng kaniyang mga magulang para komprontahin si Jem. Dahil sa sobrang galit, bigla na lamang inatake ang ama ni Frances at tuluyang binawian ng buhay.

Kaya naman para matulungang makarekober mula sa masasakit na nangyari sa kanilang buhay, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, spanish sardines business, dishwashing liquid and detergent soap business, beauty product business, makeup product business, at online live selling set up and RTW clothes business.

Mayroon ding home appliances, bills assistance, at online course program mula sa TESDA. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa pamilya ni Frances.

Inilapit naman ng programa si Frances sa isang law expert para sa plano niyang pagsasampa ng kaso laban kay Jem.

Abangan kung sinu-sino ang mabibigyan ng magandang bagong simula ngayong Agosto sa 20th anniversary celebration ng Wish Ko Lang.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: