Showbiz News

Studio ni Jimmy Bondoc, nasunog!

By Aedrianne Acar

Nakapanlulumo ang ibinahaging balita ng "Let Me Be The One" singer na si Jimmy Bondoc sa kaniyang Facebook account. Ipinakita kasi ng musician ang tinamong sira ng kaniyang studio matapos itong masunog.

Ipinasilip ni Jimmy ang tinamong sira ng studio na bunga ng ilang taon niyang pagtatrabaho bilang musikero.

Sabi niya sa post, “Just had a fire in my studio. We are safe. But I lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers.”

Sa isang Facebook video, ipinakita rin ng mang-aawit na sa isang electrical outlet nag-umpisa ang sunog.

Sa kabila ng mga nangyari, mas naisip ni Jimmy na tulungan ang dalawa niyang kaibigan na mas higit na nangangailangan at nakiusap ito sa lahat ng gusto magpaabot ng donation sa kaniya na ibigay na lamang ito kay Atty. Bruce Rivera at Jamie Jem.

Saad niya, “Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao.

“Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong.

“Wag n'yo sana isipin na nagpapaka "banal" ako. Pero 'yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi.

“May I earnestly ask instead na mag donate po kayo sa dalawang kaibigan ko:

(1) Atty. BRUCE RIVERA
He is now in a coma, and is in medical debt of about
1 Million as well.
Gcash: 0966 722 9364
(2) JAMIE JEM (Jemelee Tańedo)
Musician, Cancer patient, undergoing financially challenging medical treatment.
Gcash: 0917 154 0721”

Panghuli, taos-puso naman ang pasasalamat ni Jimmy Bondoc sa lahat ng tao nag-aalala at hindi nagdalawang-isip na damayan siya matapos siyang masunugan.

“I am sending my gratitude to all of you, sa mga tumutulong, at sa mga tumatawag dahil sa pag-aalala.

"I love this Life. We are so blessed to be here. Thank you for your embrace. Strive to be happy."

Matatandaan na noong November 2018, nanakawan ang bahay ni Jimmy at hindi baba sa Php 100,000 ang halaga ng gadgets ang nawala.

HETO ANG ILAN SA MGA CELEBRITIES NA BIKTIMA NG PAGNANAKAW SA GALLERY NA ITO: