
Masayang ibinahagi ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden na kabilang siya sa cast ng sikat na stage musical na Miss Saigon para sa Guam tour nito na magsisimula sa September.
Ngayong August 5 aalis ng bansa si Garrett para sa isang buwang training at rehearsals kung saan makakasama niya ang iba pang cast.
Sa isang press interview, ibinahagi ng Kapuso singer ang reaksyon ng mga taong una niyang sinabihan ng bagong achievement.
"Of course po una kong [sinabihan] ay family ko," sabi ni Garrett. "Pero sa mga workmates ko po, sinabi ko kina Kuya Christian [Bautista], Kuya Mark [Bautista], Ate Aicelle [Santos]. Mga barkada ko, my friends also, they are all excited about it.
"Na-excite ako kasi I know na it's something that I really look up sa kanila (Christian, Mark, and Aicelle), 'yung experience nila sa teatro. When it comes to performing din kahit sa 'All Out Sundays' stage I can really see the difference, which is something na gusto kong matutunan."
Ikinuwento rin ni Garrett ang mga payong nakuha niya kay Aicelle, na naging bahagi rin ng Miss Saigon noong 2018.
"Si Ms. Aicelle po kasi prior sa 'Miss Saigon' before pa, 'Studio 7' days pa namin, lagi akong nagtatanong sa kanila lalo na sa kaniya, 'Paano ba pumasok sa PETA?' 'yung local theater natin dito sa Pilipinas. May condition ba? Saan ba [puwede] mag-audition for a certain play?' Kasi I'm really excited about experiencing 'yung theater.
"When she found out about 'Miss Saigon,' she was really excited, and then I asked her advice din and she shared with me her experience as a cast of 'Miss Saigon.' What to expect, what to not expect, what to come prepared for, and what to learn prior to doing rehearsals. Mga bagay po na maliliit pero napakahalaga," sabi niya.
KILALANIN SI KAPUSO SOUL BALLADEER GARRETT BOLDEN DITO: