GMA Logo Garrett Bolden
Photo by: garrettboldenjr (IG)
What's Hot

Garrett Bolden, paano nga ba napasama sa cast ng 'Miss Saigon' Guam?

By Aimee Anoc
Published August 4, 2022 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kaanak ng dalagitang natagpuang patay sa taniman ng pinya sa Polomolok, hinihinalang 'di lang 2 ang suspek sa krimen
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Garrett Bolden


Gagampanan ni Garrett Bolden ang papel ni John Thomas sa 'Miss Saigon' na gaganapin sa Guam.

Dream come true para kay Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden ang mapabilang sa cast members ng Miss Saigon sa Guam.

Sa Miss Saigon, gagampanan ni Garrett ang papel ni John Thomas. Magsisimula ang Guam tour ng sikat na stage musical sa Setyembre.

Sa isang press interview, ikinuwento ni Garrett kung paano siya napasama sa Miss Saigon. Aniya, "Actually po 'yung journey ko in auditioning for 'Miss Saigon' is really unexpected. I didn't plan on auditioning.

"Nagkataon po na a friend of mine, sinabi niya sa akin na there's an audition they do, theater, which is something po na pinakabago sa akin. Although I did theater before, that was in high school. Pero 'yung talagang experience on a professional level, parang this is going to be my first."

Ayon kay Garrett, nag-audition siya gamit ang kantang "Bui Doi," na ang ibig sabihin ay "dust of life." Sa musical, ginamit ang "Bui Doi" bilang termino sa mga anak ng sundalong Amerikano sa Vietnamese na inabandona pagtatapos ng Vietnam War.

Kuwento ng Kapuso singer, hindi pa niya noon gaanong kabisado ang kanta nang mag-audition kung saan ay tumitingin pa siya sa lyrics habang kinakanta ito.

"Pero talaga po kasi first time kong narinig 'yung song, which is also 'yung in-audition piece ko, 'yung "Bui Doi." It actually hit me somewhere din kasi the song is very relatable para sa akin. I had this time din before na I was looking for my real dad.

"Feeling ko po 'yung naibigay kong feelings doon sa audition song po na iyon which is "Bui Doi," siguro po 'yun po 'yung naging way para ma-consider nila ako for the next stage of auditions."

Para sa mga hindi nakaaalam, si Garrett ay isa ring anak ng GI. Pumanaw ang tunay niyang ama dalawang taon na ang nakalilipas.

Matapos na mag-send ng audition video, makalipas ang ilang buwan ay tinawagan ang Kapuso singer para sa ilan pang audition process. "And then until nitong last month they finally told me that 'Yeah, you're going to do the role. Can you come to Guam and perform with us?'"

Aalis si Garrett ng bansa sa Biyernes, August 5, para sa isang buwang training at rehearsals kung saan makakasama niya ang iba pang cast ng Miss Saigon.

KILALANIN SI KAPUSO SOUL BALLADEER GARRETT BOLDEN DITO: