GMA Logo Bianca Umali Claudine Barretto Tessie Tomas and Sid Lucero
What's Hot

Bianca Umali, Claudine Barretto, Tessie Tomas, at Sid Lucero, bibida sa 20th anniversary specials ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 4, 2022 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali Claudine Barretto Tessie Tomas and Sid Lucero


Abangan ang natatanging pagganap nina Bianca Umali, Claudine Barretto, Ms. Tessie Tomas, at Sid Lucero sa 20th anniversary special episodes ng 'Wish Ko Lang.'

Ngayong Agosto, mas malalaking kuwento ng mga totoong tao ang handog ng Wish Ko Lang para sa selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo nito.

Apat na mga bigating artista ang bibida para sa month-long anniversary special ng Wish Ko Lang na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Para sa unang kuwento ngayong Sabado, August 6, bibigyang-buhay ni Kapuso actress Bianca Umali ang bus conductor na si Marife, na ilang beses na sinaktan at ninakawan ng sugalero niyang tatay sa "Sugal."

Makakasama ni Bianca sa episode na ito sina Andrea del Rosario, Ian de Leon, Prince Clemente, Dentrix Ponce, at Bryce Eusebio.

Sa August 13 naman, abangan ang kauna-unahang pagganap ni Philippines' Optimum Star Claudine Barretto sa "Bisita" episode ng Wish Ko Lang.

Para sa ikatlong anniversary episode na eere sa August 20, si Ms. Tessie Tomas ang bibida sa "Bintang" kasama sina Paolo Pangilinan, Sassa Gurl, at Bench Hipolito

At sa August 27, mabigat ang huling kuwentong gagampanan ni Sid Lucero sa "Selos" kasama si Ariella Arida.

Huwag palampasin ang apat na anniversary special episodes ng Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: