
Nasunog ang halos kabuuan ng bahay ng Filipina soul singer na si Jaya sa Amerika. Ito ay base sa larawang ibinihagi niya sa kanyang Instagram account ngayong Lunes ng umaga, August 8.
Makikita sa post ng Soul Diva ang larawan ng nasunog nilang bahay, partikular na sa ibabang bahagi ng kanilang 2-story house na halos nasira na ng apoy.
Ayon sa aktres, nagpapasalamat sya dahil ligtas ang kanilang pamilya mula sa sunog at hindi natupok ng apoy ang ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
Aniya,"God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!"
Sa nasabing post, nag-iwan naman ng mensahe ang ilan sa mga kaibigan ni Jaya sa showbiz gaya nina Kapuso actress Heart Evangelista, Pokwang, at Mark Bautista.
Hindi naman idinetalye pa ng singer ang dahilan ng sunog sa kanyang post.
Hulyo noong nakaraang taon nang umalis si Jaya at ang kanyang buong pamilya sa Pilipinas upang manirahan na rin sa Amerika. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpe-perform ni Jaya sa mga kapwa niya Pinoy doon.
SAMANTALA, SILIPIN NAMAN ANG MGA BAHAY SA AMERIKA NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: