GMA Logo mark prin and kao supassara thanachart in my forever sunshine
What's Hot

My Forever Sunshine: Pagpapalayas ni Keith kay Penny sa farm

Published August 11, 2022 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

mark prin and kao supassara thanachart in my forever sunshine


Nagsisisi si Penny sa kasalanang ginawa niya kay Keith pero nanindigan siyang huwag umalis sa farm hanggang sa mapatawad siya ng kanyang Kuya Keith.

Intense ang mga emosyon sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.

Sa nakaraang linggo ng Thai series, nagbalik si Penny sa farm matapos mag-aral sa Bangkok alinsunod na rin sa hiling ng ama ni Keith na si Simon.

Sa pagbisita ni Penny sa farm, si Keith agad ang una niyang hinanap para kamustahin ito matapos ang malagim na aksidente.

Nagulat si Penny na baldado na pala si Keith at naka-wheel chair na lang.

Dama ni Penny ang galit ni Keith kaya pinilit siya nitong umalis na sa farm. Nagsisisi si Penny sa kasalanang ginawa niya rito pero nanindigan siyang huwag umalis sa farm hanggang sa mapatawad siya ng kanyang Kuya Keith at para makabawi at alagaan ito. Gusto rin kasi ng ama ni Keith na naroon ang dalaga.

Sa pananatili ni Penny sa farm, pinahirapan ni Keith ang kababata sa pagtatrabaho sa farm pero hindi sumuko ang dalaga.

Samantala, hindi pala totoong baldado si Keith kaya tinapos na niya ang pagpapanggap na hindi na siya makalakad.

Dahil ayaw paalisin ng ama ni Keith si Penny, nagpasiya si Keith na siya na lamang ang aalis sa farm. Pero sa pagbalik ni Keith, nanatili si Penny sa farm na ikinadismaya niya. Nagtampo rin ang binata sa kanyang ama.

Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.

NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: