Showbiz News

The Skywatcher: Ang maitim na plano ni Bryan | Week 9

By Jimboy Napoles

Sa ikasiyam na linggo ng The Skywatcher, bihag pa rin ni Bryan sa kanyang mga kamay si Lady Meng.

Dahil ginamit ni Bryan ang katauhan ni Luchi upang linlangin si Lady Meng ay nakuha niya ito upang maging pain kay Zandro.

Upang iligtas naman si Zandro, ay sinakripisyo ni Lady Meng ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-amoy sa corpse flower. Bukod pa rito, ay nakipaghiwalay siya kay Zandro upang akalain ni Bryan na kakampi siya nito.

Hindi naman ito matanggap ni Zandro kung kaya't ibinunton niya ang kanyang galit sa pagpaparusa sa mga ligaw na kaluluwa.

Sa kabilang banda, dahil nasa ilalim pa rin ng itim na kapangyarihan si Lulu ay nagawa niya ring saktan si Lady Meng dahil sa selos sa pagmamahal sa kanya ni Bryan.

Ginamit naman ito ni Bryan upang mas mamanipola si Lulu at makatulong niya ito sa pagpatay kay Zandro at sa pagkuha kay Lady Meng.

May magagawa pa kaya ang plano ni Joko at Zandro upang mailigtas si Lady Meng?

Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: