
Present ang tinaguriang "3M" ng noontime show na Eat Bulaga na sina Maine Mendoza, Maja Salvador at MJ Lastimosa sa opening ng inaabangang Drag Race Philippines kung saan host ang kanilang kaibigan at kapwa dabarkads na si Paolo Ballesteros.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni MJ ang mga larawan ng kanilang naging bonding habang sila ay nasa nasabing event noong Martes ng gabi, August 16.
Dito ay nagpa-picture pa mismo si MJ ng kanyang OOTD sa main host ng programa na si Paolo.
"Na-Marites kong may bagong queen in town, pwes pumunta ako para magpa-picture [laughing emoji] Condragulation @pochoy_29 !!! Walang host host ng @dragraceph dito picturan mo 'ko.
"Salamat saking mga sez na kumidnap sakin pauwi ng maynila @mainedcm @maja," caption ng beauty queen sa kanyang post.
Sa Instagram Story naman ni MJ, pabiro niyang ibinahagi ang kanyang pagiging "fifth wheel" sa mga kaibigan na sina Maine at Maja na isinama ang kanilang mga fiance na sina Arjo Atayde at Rambo Nuñez sa naturang event.
Source: mj_lastimosa (Instagram)
SAMANTALA, ALAMIN KUNG PAANO NAG-UMPISA ANG FRIENDSHIP NINA MAINE, MAJA, MJ, KASAMA SI MILES OCAMPO SA GALLERY NA ITO: