GMA Logo gabbi garcia and joshua garcia
What's Hot

Gabbi Garcia at Joshua Garcia, magsasama sa isang proyekto?

By Jimboy Napoles
Published August 31, 2022 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia and joshua garcia


Anong proyekto kaya ang sinasabing pagsasamahan nina Kapuso It Girl Gabbi Garcia at Kapamilya actor na si Joshua Garcia?

Usap-usapan ngayon online ang umano'y pagsasama ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia at Kapamilya actor na si Joshua Garcia para sa isang proyekto ngayong taon.

Bagamat wala pa itong kumpirmasyon, sinasabing isang pelikula o isang series ang pagbibidahan ng dalawang prime actors.

Matatandaan na nito lamang April, isang historic partnership deal ang ginawa ng GMA Network at ng ABS-CBN, kung saan napagkasunduan na ang ilan sa mga pelikula ng film outfit na Star Cinema ay ipapalabas at mapapanood na rin sa local channels ng GMA.

Sinabi noon ni GMA President and COO Gilberto "Jimmy" R. Duavit Jr. na ang agreement na ito ay maaaring magbukas ng iba pang partnership kasama ang ABS-CBN.

Aniya, "We're very pleased because the significance of our partnership today ushers in the possibilities of [a] far broader set of conversations, potential partnerships, and cooperation that will have the benefit not only mutually to GMA and ABS-CBN, perhaps more importantly, to the benefit of the public we both serve, the Filipino viewer."

Hindi naman ito ang unang beses na magsasama sa isang proyekto ang mga artista ng dalawang media network. Noong 2019, nagsama na rin sa isang pelikula sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa global blockbuster hit film na Hello, Love, Goodbye. Ngayong taon, kasalukuyan na ring ginagawa ang pelikula ng Kapuso actress na si Kylie Padilla kasama ang aktor na si Gerald Anderson na pinamagatang Unravel.

Samantala, wala pang anumang kumpirmasyon tungkol sa napipisil na pagsasama ng dalawang Garcia ng showbiz.

Para sa iba pang entertainment updates, bisitahin lang ang GMANetwork.com.

SILIPIN NAMAN ANG MGA LARAWAN NG KAPUSO-KAPAMILYA ON-SCREEN PAIRINGS SA GALLERY NA ITO: