Showbiz News

Herlene Budol, lalaban sa Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Uganda

By Aimee Anoc

Matapos na tanghaling first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022, sasabak naman ngayon sa paparating na Miss Planet International pageant si Herlene Budol.

Noong August 29, opisyal na inanunsyo ng Miss Planet International si Herlene bilang kinatawan ng Pilipinas.

"We are glad to announce that [Herlene Budol] first runner-up of Binibining Pilipinas 2022 will represent The Philippines at the Miss Planet International 2022 pageant to be held on November 19th in Kampala, Uganda 'The Pearl of Africa,'" sulat ng pageant organization sa kanilang Facebook page.

Ayon kay Herlene, "parang isang panaginip" sa kanya ang lahat. Nararamdaman na rin daw niya ang "tension" para sa paparating na international pageant.

"OMG! Naiiyak at na-e-excite ako. Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin isang malaking karangalan na nakatungtong ko sa national pageant at ngayon naman isasabak na ako sa international level," sabi ni Herlene.

Dagdag niya, "Kung may tatlong buwan preparasyon ang Binibining Pilipinas journey ko at malaking transpormasyon para sa akin. Ngayon may tatlong buwan pa rin akong preparasyon para lumaban ako sa Miss Planet International. Gagawin ko 'tong better version na makakapag-inspire sa mga kabataan because I know for my self that I am uniquely beautiful with a mission."

Samantala, ibinahagi naman ng talent manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino, national director ng Miss Planet International Philippines, na mayroon ng approval ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang pagsali ni Herlene sa naturang international pageant.

"I am now official Miss Planet Philippines national director for this Miss Planet International 2022, and I am appointing, no other than Binibining Pilipinas [first] runner-up Herlene Budol to represent the Philippines in Kampala, Uganda on November 6 to November 20, 2022," sulat ni Wilbert sa Facebook.

Ayon kay Wilbert, bilang national director, mayroon siyang "exclusive rights to choose a candidate." Sinabi rin nito na wikang Filipino ang gagamitin ni Herlene sa pagsagot sa mga tanong at kukuha sila ng magiging interpreter sa pageant.

MAS KILALANIN SI HERLENE BUDOL DITO: