Showbiz News

Sparkada, mamimigay ng GMA Affordabox hanggang October

By Marah Ruiz

Patuloy ang pagdiriwang ng second anniversary ng GMA Affordabox!

Kaya naman may pa-giveaway ito katulong ang fresh faces ng Sparkada. Mamimigay sila ng isang GMA Affordabox unit sa isang lucky winner bawat araw, sa loob ng isang linggo.

Para makasali sa giveaway, i-follow lang ang official Instagram account ng GMA Affordabox, pati ang account ng Sparkada artists.

Ilagay sa comments ang paborito ninyong GMA show at mag-tag ng tatlong kaibigan. Huwag ding kalimutan na dapat naka-public ang inyong Instagram account.

Nauna na sa pa-giveaway ang Sparkada artists na sina Sean Lucas at Kirsten Gonzales.

Nakatakda naman magsawaga ng sarili nilang giveaway ang iba pang Sparkada artists na sina Tanya Ramos, Vince Maristela, Vanessa Pena, Michael Sager, Roxie Smith, Kim Perez, Lauren King, Saviour Ramos, Caitlyn Stave, Larkin Castor, Dilek Montemayor, Anjay Anson, Cheska Fausto, Jeff Moses, at Raheel Bhyria kaya i-follow na sila sa Instagram.

Ang GMA Affordabox ay ang digital TV receiver mula sa GMA Network.

Gamit ito, maaaring mapanood nang libre ang channels tulad ng GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area. May kasama pang exciting features tulad ng multimedia player at personal video recorder.

Available ang GMA Affordabox sa mga sumusunod na coverage areas: Luzon - Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Benguet, La Union, Pangasinan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Quezon, Ilocos Sur, Abra, and Camarines Sur (including Naga City); Visayas - Bohol, Iloilo, Guimaras, Cebu, Leyte (including Tacloban City), Bacolod (and adjacent areas), Samar, Negros Occidental; at Mindanao - Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (including Cagayan de Oro), Camiguin, General Santos City (and nearby areas including Polomolok), and Sarangani (Alabel, Glan, at Malapatan).

Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store at sa Shopee at Lazada.

Para sa iba pang impormasyon, bumisita sa www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts na @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.

Para sa mga katanungan tungkol sa GMA Affordabox, tumawag lang sa numerong (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 between 8:00 a.m. at 10:00 p.m., o mag-email sa support@GMAaffordabox.com.