GMA Logo My Forever Sunshine
What's Hot

My Forever Sunshine: Keith declares his love for Penny

Published September 2, 2022 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US judge lets more Epstein grand jury materials be made public
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

My Forever Sunshine


Hiling ni Penny, ituring na lang siyang muli ni Keith na kapatid.

Finally, may umamin na sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.

Sa mga nakaraang episodes ng Thai series, lalo na-appreciate ni Keith si Penny nang alagaan siya nito matapos ma-injure dahil sa pag-rescue niya sa huli mula sa isang kidnapan.

Pero ang binata, may kaagaw pala sa katauhan ni Mark.

Nagselos si Keith nang gustong puntahan ni Penny si Mark para alagaan din ito matapos ang insidente kaya pinilit ni Keith na manatili na lang si Penny sa kanyang tabi.

Sinubukan namang bisitahin ni Mark si Penny pero si Keith ang nakaharap niya kaya kinuha na ng huli ang pagkakataong komprontahin si Mark.

Samantala, nagsimula nang magpakita ng feelings si Keith kay Penny.

Lahat ay gagawin ng binata para sa dalaga na tila ba siya ay nanliligaw.

Hindi nagtagal, inamin na rin ni Keith ang kanyang true feelings para sa kababatang si Penny.

Tila nagkabaliktad ang kanilang mundo dahil si Penny ang dating obsessed kay Keith.

Kung dati ay parang aso't pusa ang dalawa, ngayon ay napalitan ng love ang galit ni Keith sa dalaga.

Pero hiling ni Penny, ituring na lang siyang muli ni Keith na kapatid.

Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.

NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: