advertisement
Showbiz News

TRIVIA: Celebrity couples na naghiwalay dahil sa third party

2 of 10

Sunshine Dizon and Timothy Tan

Isa sa mga pinag-usapang hiwalayan noong 2016 ang kina Sunshine Dizon at pilot husband na si Timothy Tan. Pinangalanan ni Sunshine ang other woman ng kanyang asawa, at kinasuhan pa ang dalawa ng Violence Against Women and Children at Concubinage, na kalaunan ay inatras din niya.

3 of 10

Kim Chiu and Gerald Anderson

From reel to real ang love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Sa isang interview, ibinahagi ni Kim na alam niya ang pakiramdam na niloko ng ex-boyfriend.

4 of 10

Martin Nievera and Pops Fernandez

Marami ang natuwa nang mauwi sa kasalan ang relasyon nina Martin Nievera at Pops Fernandez. In 1999, after 13 years of being married, nag-file ng annulment si Pops dahil umano sa alleged infidelity ni Martin, at na-grant ito the following year. The ex-couple have remained friends and performed in a number of concerts together.

advertisement
5 of 10

Hayden Kho and Vicki Belo

Bago ang kanilang engrandeng kasal sa France, maraming pagsubok na pinagdaanan ang relasyon nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Noong February 10, 2012, nag-tweet ang celebrity doctor na pinapalaya na niya si Hayden para hindi na maging sikreto ang relasyon nito sa dating aktres na si Nancy Castiglione. Ayon naman kay Hayden, si Vicki ang may relasyon sa kanyang yoga instructor. Ilang kontrobersya pa ang pinagdaanan ng dalawa, pero sa huli ay kinasal sila noong September 2, 2017.

6 of 10

Ciara Sotto and Jojo Oconer

Kasama ang anak na si Crixus, iniwan ni Ciara Sotto ang asawang si Jojo Oconer at tumira sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa. Third party ang tinuturong dahilan ng pagkalas ni Ciara sa kanilang relasyon, na kinumpirma ng aktres sa kanyang social media posts.

7 of 10

Nikki Gil and Billy Crawford

Marami ang nagulat nang tapusin nina Nikki Gil at Billy Crawford ang kanilang five-year relationship. Sa isang magazine interview, sinabi ni Nikki na nagkaroon ng ibang babae ang kanyang ex-boyfriend. Isa sa mga pangalang lumutang ay si Coleen Garcia, na asawa na ni Billy ngayon. Si Nikki naman ay kasal na rin kay BJ Albert at may anak na.

advertisement
8 of 10

Maricar de Mesa and Don Allado

Other woman din ang tinuturong dahilan ni Maricar de Mesa kaya natapos ang seven-year marriage nila ng dating basketball player na si Don Allado. Isang mommy na ngayon si Maricar kay Baby Sky.

9 of 10

Nikki Valdez and Christoph Lina

Kinasal ang aktres na si Nikki Valdez sa Filipino-Canadian na si Christoph Lina noong July 7, 2007 at sa Toronto na sila nanirahan. Two years lang ang itinagal ng kanilang pagsasama, na ayon kay Nikki ay natapos dahil sa third party.

10 of 10

Sunshine Cruz and Cesar Montano

Tinapos ni Sunshine Cruz ang 13-year marriage nila ni Cesar Montano nang ma-link ang aktor kay Krista Miller, na dinidirek niya noon sa isang pelikula. Itinanggi ni Krista ang akusasyon, lalo na nung sabihin ni Sunshine na nagpapadala ito ng sexy pictures sa kanyang asawa. Ngayon ay masaya si Sunshine sa piling ng kanyang tatlong anak at boyfriend na si Macky Mathay .

advertisement
11 of 10

Donita Rose and Eric Villarama

Naputol ang 12 taong pagsasama nina Donita Rose at Eric Villarama noong 2016 nang umamin si Eric kay Donita na may iba siyang babae.