
Pagkatapos ng walong taon muli nang mapapanood sa big screen si Xian Lim kasama ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu.
Ang real-life couple ang bibida sa local adaptation ng 2011 hit Korean film na Always, na ipalalabas ngayong September. Magsisilbi rin itong reunion movie nina Xian at Kim matapos ang huling pelikula nila walong taon na ang nakalilipas.
Sa Instagram, proud na ipinost ng Kapuso actor na si Xian ang isang teaser video ng kanilang nasabing upcoming movie.
"I miss you @chinitaprincess [Kim Chiu] after 8 years, we're back on the big screen," caption ng aktor sa nasabing post.
Ang drama film ay kuwento ng isang babae na may diperensya sa paningin na nahulog ang loob sa isang lalaking boksingero na magiging biktima ng isang matinding aksidente at magbibigay problema sa kanilang relasyon.
Taong 2015 nang huling mapanood sina Xian at Kim sa isang pelikula at ngayong September 28 nakatakdang muling magpakilig ang dalawa sa kanilang comeback movie na hatid ng Viva Films.
SILIPIN NAMAN ANG MGA LARAWAN NG KAPUSO-KAPAMILYA ON-SCREEN PAIRINGS SA GALLERY NA ITO: