Showbiz News

Beauty Gonzalez, nais mag-retire habang sikat pa

By Nherz Almo

Thirty one years old pa lamang si Beauty Gonzalez pero naiisip na raw niya ang mag-retire nang maaga mula sa showbiz.

“Ako kasi, I'm the type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin 'yung career ko, I would plan it,”pahayag ng Kapuso actress sa ginanap na media launch ng bagong Beauté Haus ng Beautéderm kahapon, September 9.

Ayon sa aktres, mas gusto niyang magpahinga na mula sa showbiz kung kalian nasa peak ang kaniyang career.

“If I'd be retiring, I wanna retire at my peak. I don't wanna retire feeling na I'm going down para when I turn my back, naka-smile pa rin ako, hindi ako umiiyak,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, ayon kay Beauty, patuloy lang ang kaniyang pagtatrabaho bilang aktres lalo na kung may dumarating na magandang offer.

“Gusto kong mag-retire, but kung mayroon mang magandang project na I can't resist, who am I to say no if maganda talaga,”aniya.

“But kung kaya, I would really wanna retire young and beautiful and while I'm still up there. Ayaw kong umalis ako na, alam mo 'yon, hindi na maganda. 'Yung gusto ko, kapag nakatalikod ako, masaya ako.

Bagamat sumasagi na ito sa kaniyang isipan, tila hindi pa naman tiyak ang planong ito sa ngayon. Sa katunayan, sunud-sunod pa rin ang proyektong ginagawa niya, mapa-TV man o pelikula.

Sa ngayon, napapanood si Beauty sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life, kasama sina Ariel Rivera at Sid Lucero.

Katatapos lang din niyang gawin ang isang horror film na iprinodyus ng isang Singarporean production company.

Mapapanood din si Beauty sa pagbabalik ng Mano Po Legacy. Makakasama niya sina Aiko Melendez, Thea Tolentino, at Angel Guardian sa bagong istorya nitong The Flower Sisters sa GMA Telebabad.

“[Kaabang-abang] ito kasi first time ninyo akong makita na kontrabida all the way. Like, sobrang all the way, just fasten your seatbelt, this is gonna be a bumpy ride. Marami kayong aabangang eksena,” paglalarawan ng aktres sa role na kanyang gagampanan sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG MGA KAHANGA-HANGANG LARAWAN NI BEAUTY SA GALLERY NA ITO: