
Sa nalalapit na pagtatapos ng kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine, mapapanood kung ano nga ba ang kahihinatnan ng complicated love story nina Keith (Mark Prin) at Penny (Kao Supassara Thanachart) na nabuo sa farm.
Mula sa pagiging childhood friends, naging magkaaway ang dalawa nang dahil sa obsession ni Penny kay Keith na kapatid lang ang turing sa dalaga.
Labis na kinamuhian ni Keith si Penny matapos siyang malagay sa panganib nang dahil sa huli.
Umalis si Penny sa farm para mag-aral at para magbagong buhay pero nang bumalik siya sa lugar, tila nagkabaliktad ang mundo ng dalawa.
Handang pagbayaran ni Penny ang mga kasalanan niya kay Keith at nangako sa ina nitong hindi na niya guguluhan pa ang buhay ng kababata.
Itinuring na lang ni Penny na kuya si Keith, pero ang huli naman ang lumalim ang pagtingin sa dalaga.
Ang love-hate relationship nina Keith at Penny ang inabangan tuwing hapon sa My Forever Sunshine.
Pero ngayong lilisanin na ni Penny ang farm, magtagpo na kaya ang feelings ng dalawa?
Huwag 'yang palampasin sa huling linggo ng My Forever Sunshine mula ngayong Lunes hanggang Biyernes (September 12 to 16), alas singko ng hapon bago ang Family Feud sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: