Showbiz News

Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz, naghahanda nang tumungo sa US para sa 'Together Again' concert

By Aaron Brennt Eusebio

Handang-handa na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, this Generation's Movie Queen Bea Alonzo, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na magpasaya sa mga Kapuso Abroad sa 'Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert' sa Pechanga Resort Casino sa California sa September 24 at 25.

Sabay-sabay inayos nina Dingdong, Bea, Julie Anne, at Rayver ang kanilang mga papeles sa US Embassy kasama ang direktor ng Voltes V: Legacy na si Direk Mark Reyes.

Para kay Dingdong, na napapanood tuwing hapon bilang host ng Family Feud, masaya siya na muli siyang makapagbibigay ng saya sa mga Kapuso sa ibang bansa matapos ang ilang taong pandemya.

Saad niya sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, "Ilang taon na, siyempre pre-pandemic, parang 2018 pa yata. Ang saya kasi iba talaga 'yung pakiramdam na makita mo at makausap mo sila nang harapan. Iba rin kasi kapag online."

First time naman ni Bea, na bibida rin sa Start-Up Ph, na magkaroon ng show sa ibang bansa mula noong lumipat siya sa GMA Network noong 2021.

Aniya, "I will be on the GMA Pinoy TV stage for the first time with my fellow Kapuso stars, and excited ako kasi I want to give them the entertainment and the joy that they so deserve dahil ang dami nating pinagdaanan this past year."

Bukod sa song and dance number na linggo-linggong napapanood sa All-Out Sundays, dadalhin din nina Julie Anne at Rayver ang kilig sa mga manonood ng Stronger Again concert.

Saad ni Julie Anne, "Very, very excited kasi we all know naman na it has been a struggle for all of us. It's also a great opportunity for all of us kasi makikita namin ulit 'yung mga Kapuso natin abroad, makakasama ulit natin sila kaya ang sarap lang sa feeling kasi first ulit namin after a very, like after a long time."

Dagdag ni Rayver, "Sobrang excited kasi ang tagal na nga na panahon simula nung last, after New York, ilang years ago 'yun, so excited na kami makita 'yung mga Kapuso namin d'yan sa Amerika."

Bukod sa kanilang apat, makakasama rin nila sa concert sina Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas at Asia's Nightingale Lani Misalucha.

A post shared by GMA Pinoy TV (@gmapinoytv)

Available ang tickets ng 'Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert' sa www.pechanga.com, www.ticketmaster.com or www.starmediaentertainment.com.