GMA Logo Nadine Samonte
What's Hot

Nadine Samonte, 'thankful at grateful' sa pagbabalik telebisyon

By Aimee Anoc
Published September 16, 2022 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Nadine Samonte


Balik-telebisyon si Nadine Samonte para sa upcoming episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Matapos ang halos limang taong pamamahinga sa showbiz, balik-telebisyon si Nadine Samonte para sa "Sukob" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Sa episode na ito, gagampanan ni Nadine ang totoong kuwento ng buhay ni Maria. Tampok dito ang pamahiin tungkol sa sukob na kasal.

Ayon kay Nadine, excited at kinakabahan siya sa pagbabalik-telebisyon. Aniya, "I don't know why pero I'm grateful for this project kasi nabigyan ulit ako ng chance na umarte sa tv kaya maraming salamat po sa GMA."

Biro pa ni Nadine, "I know I'm still big. Don't worry I'm on my way sa pagpapapayat na ulit."

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)

Makakasama ni Nadine sa "Wish Ko Lang: Sukob" sina Kate Yalung, Dion Ignacio, Kristoffer Martin, at Dolly De Leon.

Noong November 2021, ipinanganak ni Nadine ang ikatlong baby nito na si Harmony Saige Chua.

TINGNAN ANG MASAYANG BUHAY NI NADINE SAMONTE SA LABAS NG SHOWBIZ DITO.