Showbiz News

Vlogger Zeinab Harake fangirls over Kapuso Primetime Queen Marian Rivera

By EJ Chua

Trivia! Famous vlogger na si Zeinab Harake, isa raw sa mga matagal nang umiidolo kay Marian Rivera.

Sa katatapos lang na event ng Beautéderm, inamin ni Zeinab na isa si Marian sa mga aktres na iniidolo niya mula noong siya ay bata pa.

"Kung ano man 'yung arte ko ngayon, feeling ko, ngayon ko lang masasabi... Si Ate Yan, si Marian Rivera, nine years old pa lang ako, siya na ang pine-peg ko. Sa ngiti ko, sa galaw ko,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa vlogger, masayang-masaya raw siya nang makita niyang pinusuan ng Kapuso actress ang Instagram post ng owner ng beauty brand nang maging bahagi siya ng roster of celebrity endorsers nito.

Bukod dito, hindi na napigilan ni Zeinab na mas kiligin matapos siyang i-follow back ni Marian sa Instagram.

Kuwento niya, “Ang reaksiyon ko talaga, naglulupasay ako! Napa-tweet din po ako. Sabi ko, binuo ni Ate Yan ang araw ko. Sinimulan ni Ate Yan na buuin ang araw ko. Morning kasi iyon nung finollow back niya ako.”

Si Zeinab, o kilala rin bilang Zebby, ang isa sa mga kilalang content creator ngayon sa Pilipinas na mayroong 13.1 million subscribers sa Youtube.

Samantala, si Marian naman ang isa sa mga tinitingalang personalidad sa showbiz at isa sa most followed celebrities sa Instagram.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 12.4 million Instagram followers ang Kapuso actress.

Bukod sa social media influencer, iniidolo rin ng Abot Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen.

SILIPIN ANG ALL-WHITE OUTFITS NI MARIAN RIVERA SA GALLERY SA IBABA: