Showbiz News

Xian Lim is the director of 'Wish Ko Lang' episode this September 24

By Aimee Anoc

Mapapanood na sa Sabado, September 24, ang directorial debut sa Wish Ko Lang ng multi-talented actor na si Xian Lim.

Sa Instagram, ipinakita ng aktor ang ilan sa behind-the-scenes habang idinidirehe ang "Killer Menudo" episode ng Wish Ko Lang, gayundin ang kulitan kasama ang cast at crew.

Tampok sa episode na ito ang kuwento ng pamilya ni Sol, na pagbibidahan ni Rochelle Barrameda, at ng kanyang mga kapitbahay na biktima ng food poisoning sa dinaluhang kasalan.

"Catch the episode I was given a chance to direct for 'Wish Ko Lang' this Saturday," sulat ng aktor.

Makakasama ni Rochelle sa upcoming episode sina Maila Gumila, Elora Españo, Anthony Rosaldo, Madeleine Nicolas, Mariel Pamintuan, Kim Perez, Lee O'Brian, at Heindrick Sitjar.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito na idinirehe ni Xian Lim ngayong Sabado, September 24, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG DIRECTORIAL DEBUT NI XIAN LIM SA WISH KO LANG DITO: