
Mapapanood na ngayong Lunes, September 26, ang season 2 ng tumatak na Japanese drama manga series sa bansa --- ang Gokusen.
Sa season 2 ng nasabing series, masusubaybayan ang pagpapatuloy ng kuwento ni Teacher Kumiko "Yankumi" Yamaguchi at ng kanyang mga pasaway at kinatatakutang estudyante mula sa section 3-D.
Sa unang season ay ginalit, pinaiyak, at pinasaya tayo ng grupo ng estudyante na pinamumunuan ni Sawada Shin. Ngayong season 2, may panibagong mga pasaway na estudyante na naman ang section 3-D na tiyak na magpapasakit ng ulo ni Teacher Yankumi.
Pero anong action adventure naman kaya ang naghihintay para sa kanila?
Sabay-sabay na tutukan ang pagpapatuloy na maaksyon na kuwento ni Teacher Yankumi at ng kanyang mga estudyante sa Gokusen season 2 ngayong September 26, 8:25 ng umaga sa GMA!