Showbiz News

BTS member Suga, niregaluhan ng autographed shoes ni Stephen Curry

By Jansen Ramos

Iflinex ng BTS member na si Suga sa Instagram ang regalo sa kanyang autographed shoes ng Golden State Warriors point guard na si Stephen Curry.

Nagkaroon sila ng close encounter nang manood si Suga ng laban ng Warriors kontra Washington Wizards sa NBA preseason exhibition game sa Japan.

Ang regalong pares ng sapatos ay ginamit ni Stephen sa nasabing basketball game, ayon sa post ng NBA sa official Instagram account nito.

Nagpalitan naman ng pasasalamat ang NBA star at ang K-pop artist sa suporta ng isa't isa.

A post shared by NBA (@nba)

Bago iyan, trending din ang unang meet-up ng dalawang international idols kung saan nagpalitan sila ng signed items.

Sa tweet ng official Japanese Twitter account ng Warriors, makikita ang kanilang larawan kung saan ibinida ni Stephen ang signed “Proof” album ng BTS, samantalang si Suga naman ang jersey ng basketbolista na may autograph nito.

Panoorin ang ulat sa bandang 0:52 sa video na ito mula sa 24 Oras Weekend:

SAMANTALA, BALIKAN ANG IBA PANG TOP K-POP STORIES SA GALLERY NA ITO: