GMA Logo Wish Ko Lang
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Mag-inang pinag-initan ng isang guro, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 3, 2022 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa mag-inang Vangie at Chichay na pinag-initan ng isang guro.

Nasaksihan noong Sabado sa "Ibinagsak" episode ng Wish Ko Lang ang hirap na naranasan ng mag-inang Vangie (Manilyn Reynes) at Chichay (Rhed Bustamante) matapos na pag-initan ng isang guro.

Sa kabila ng pasadong mga marka sa exams at recitations ni Chichay ay ibinagsak pa rin siya ng kaniyang guro dahil daw hindi siya kaagad nakapagpasa ng Form 137 at nakapag-ambag ng pintura.

"Na-trauma 'yung anak ko dahil sa ginawa ng teacher. Hirap po kami sa buhay tapos ganoon lang ang ginawa sa amin," pagbabahagi ni Vangie sa Wish Ko Lang.

Kaya naman inilapit ng programa si Vangie sa Department of Education (DepEd) para makapagsampa ng reklamo laban kay Teacher Trixie (Coleen Perez). Gayundin, inilapit ng Wish Ko Lang si Vangie sa isang legal expert.

Para naman matulungan si Chichay mula sa nangyari, inilapit siya ng programa kay Dr. Camille Garcia, isang psychologist.

Para sa pagsisimulang muli nina Vangie at Chichay, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng Php 65,000 ang burger stand business, beauty business, at nail care business.

Mayroon ding brand new smartphone at TESDA Training Program para sa pagnenegosyo ni Vangie. Isa namang mini-library ang handog ng programa para kay Chichay.

Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para sa mag-ina.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: