GMA Logo Zeinab Harake facebook page
Source: zeinab_harake (Instagram)
What's Hot

Zeinab Harake, burado ang Facebook page na may 13M followers

By Jimboy Napoles
Published October 4, 2022 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake facebook page


Mahigit tatlong linggo nang apektado ang trabaho ni Zeinab Harake dahil sa biglang pagkawala ng kanyang Facebook page.

Nangangamba ngayon ang social media influencer na si Zeinab Harake dahil sa biglang pagkawala ng kanyang Facebook page na mayroon nang 13 million followers.

Bukod kay Zeinab, burado na rin ngayon ang Facebook pages ng vlogger at aktres na si Ivana Alawi.

Sa Twitter, agad na ni-retweet ni Zeinab ang post ni Ivana tungkol sa pagiging dismayado sa Facebook o sa Meta dahil sa kawalan ng abiso o ng mensahe sa pagbubura ng kanilang social media accounts. Hindi rin malinaw kung sila ay may violations o reports na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang social media pages.

"@facebook @Meta please bring our page back di na nakakatuwa yung stress [crying emoji]," ani Zeinab.

Ayon sa isang report, naglabas din ng saloobin sa isang Instagram Story si Zeinab tungkol sa nangyari sa kanyang Facebook page.

"My 13M page is gone and now pati na rin kay Ivana. Guys, be careful. Nakaka stress 'to [nang] malala. Bigla nila aalisin page mo without any violation or problem," sulat niya sa kanyang post.

Kuwento pa ng content creator, tatlong linggo na siyang humihingi ng sagot sa nasabing app pero wala pa itong tugon sa kanya. Dahil dito, apektado ngayon ang kanyang trabaho at pagpapalabas ng kanyang vlogs.

Aniya, "Three weeks na 'kong nangungulit. Stressed at umiiyak dahil apektado 'yung trabaho ko at lalong-lalo upload ko ng vlogs because of this. Please help us!"

Sa ngayon ay wala pa ring balita kung naayos na ang problemang ito ng dalawang content creators.

NARITO NAMAN ANG ILANG CELEBRITIES NA UMALMA SA KANILANG FAKE SOCIAL MEDIA ACCOUNTS: