Showbiz News

Kapuso artists and their own efforts in helping Yolanda victims


Hindi nagtapos sa pakikibahagi sa telethon special ng GMA Network ang inyong mga paboritong Kapuso artists bilang paraan nila ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Find out how some of them are extending their help to the typhoon victims.

Jonalyn Viray: "Bilang singer ako, in my own little way nagpa-participate po ako sa mga benefit shows, mga fund-raising concerts para sa Yolanda victims. Nagplano din po kami sa fans club, sa Jonatics Barkada, na kung ano po 'yung kaya nilang i-donate, mapa in kind man o in cash, i-gather po namin tapos ipapadala namin sa affected areas."

Louise delos Reyes: "Actually kagagaling ko lang sa Kapuso Foundation, nag-donate ako. And through mga simple things lang, like pagpunta sa mga telethon, sa mga repacking areas natin. Hindi naman kailangan na magbigay tayo ng bonggang bongga, 'yung alam mo lang na sincere ka sa ginagawa mo."

TJ Trinidad: "By donating whatever clothes you have, and through cash donations."

Victor Basa: "Number one, giving out information through Twitter, and 'yung online efforts as to where to direct 'yung mga donations. We also were repacking, but since 'yung natamaan ay mga malalayong lugar, 'yung iba nagre-request ng goods na hindi na-repack so 'yung mga iba sine-send na namin diretso."

Elmo Magalona: "I went to Uniliver once, tapos nag-packing kami ng mga goods."

Annicka Dolonius: "Through volunteering, and trying to donate as much as possible continuously. I mean, it doesn't have to be in huge amounts all the time. Let's say for every paycheck  every month, you can just give a little to any sort of organization and that will go a long way to sustain relief for all the victims."

Shelly Hipolito: "Iniipon ko po ang mga used clothes ko tapos may church po kasi kami, so doon ko po ido-donate. May garage sale po kasi sila, so 'yung magpagbebentahan po nun, ido-donate sa mga nasalanta."

Kobe Paras: "'Yung mga iba ko pong damit at mga pagkain rin po, nagdo-donate po 'yung family namin."

Dennis Trillo: "Nakapag-donate kami ng pera, magkakaroon din kami ng benefit concert na magsisimula sa December 14, pagbalik namin from the US tour. Mayroong in-arrange 'yung MyPhone na benefit concert para sa mga typhoon victims sa Araneta Coliseum sa December 14."

Jeric Gonzales: "'Yung mga damit ko na hindi na ginagamit, 'yung lagi kong sinasabi na gagamitin ko next month or next year, talagang nag-decide na ako na ibigay sa mga nangangailangan. And then kaunting pera, makakatulong sa kanila 'yun, and canned goods. Nagbigay ako ng mga ganun tapos nagre-repost ng mga hotline ng tulong sa Instagram and Facebook. I keep on praying para sa kanilang lahat."

The GMA Kapuso Foundation is still accepting donations in cash and in kind. You may visit GMANetwork.com/kapusofoundation for more details. Keep on visiting GMANetwork.com for the latest updates and news on your favorite Kapuso stars. -- Interviews by Michelle Caligan and Eunicia Mediodia, Photos by Bochic Estrada, GMANetwork.com