TV

Elijah Alejo, Hailey Mendes, balik lock-in taping para sa 'Underage'

By Dianne Mariano

Balik lock-in taping na ngayon ang cast ng upcoming Kapuso afternoon drama series na Underage.

Ibinahagi ni Sparkle teen actress Elijah Alejo ang isang video sa Instagram, kung saan mapapanood ang kanyang pagbabalik sa set ng nasabing show.

“Underage 2nd Lock-in,” sulat niya sa caption.

A post shared by Elijah Alejo 💫 (@itselijahalejo)

Samantala, in-upload naman ni Hailey Mendes ang ilang larawan kasama ang kanyang Underage co-stars na sina Elijah, Vince Crisostomo, Yayo Aguila, at Maey Bautista habang papunta sa kanilang taping.

“On the way Putok na putok na naman po ang labi ni @vincecrisostomo opo ,” sulat ng aktres sa kanyang Instagram post.

Sa kabila ng pagiging abala, hindi nawawala ang kulitan at masasayang moments nila sa set. Tulad na lamang ng TikTok videos na ibinahagi ni Hailey kung saan kasama niyang nagli-lipsync sina Yayo at Elijah.

@haileymendes1

Ms. Yayo

♬ A Gangster's Wife - Ms. Krazie

@haileymendes1 @elijah ♬ original sound - ᴍɪᴋᴀsᴀ

Sa Underage, gaganap sina Kapuso stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes bilang ang Serrano sisters na sina Celine, Chynna, at Carrie.

Mapapanood din dito sina Kapuso heartthrobs Gil Cuerva at Vince Crisostomo.

Kabilang sa stellar cast ng Underage ang mga mahuhusay at batikang aktor na sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.

Mayroon namang espesyal na partisipasyon sa serye sina Smokey Manaloto at Sparkle actor Nikki Co.

SAMANTALA, KILALANIN SI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO.