Showbiz News

2022 GMA Christmas Station ID 'Love is Us this Christmas' lyric video, pinusuan online!

By Jimboy Napoles

Sa kauna-unahang pagkakataon, napanood at napakinggan na ang lyric video ng 2022 GMA Christmas Station ID na pinamagatang "Love is Us this Christmas" ngayong Linggo, October 23, sa Sunday variety show ng GMA na All-Out Sundays.

Mapapanood sa "Love is Us this Christmas" lyric video ang ilan sa mga pinakamahusay na Kapuso singers kabilang na sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Maricris Garcia, at si Zephanie na ikinuwentong first time na makaawit ng isang Christmas Station ID ng isang network.

Ang naturang awitin ay naghahatid ng mensahe ng tunay na kahulugan ng pag-ibig ngayong kapaskuhan.

Bukod sa TV, agad ding pinusuan online ang nasabing lyric video at umani ng sari-saring reaksyon mula sa maraming Kapuso.

"Merry Christmas mga kapuso! Ganda ng meaning ng song! Galing talaga ng GMA!" komento ng isang netizen.

"Wow...lyrics pa lang 'yan pero ang ganda na pakinggan much more if more artist and actress singing GMA Station ID," usisa ng isang netizen.

"Ang galing niyo laging bago ang kanta niyo proud Kapuso here," mensahe naman isang Kapuso.

"Love is us this Christmas [love emoji] Lakas maka worship song neto. Love it! Spread love for everyone," dagdag pa ng isang Kapuso online.

Panoorin ang lyric video ng 2022 GMA Christmas Station ID na "Love is Us this Christmas" DITO:

SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS SA RECORDING NG 2022 GMA CHRISTMAS STATION ID SA GALLERY NA ITO: