Showbiz News

Cast ng ‘Carmela’, excited na sa kanilang teleserye


Isa na namang kakaibang teleserye ang handog ng GMA sa 2014. Nagbabalik sa GMA Telebabad ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa Carmela. Makakatambal niya dito ang Kapuso hunk na si Alden Richards.

Sa Carmela story conference, ibinahagi ng cast ang kanilang mga nadarama sa kanilang pagsasama-sama sa Telebabad series. Narito ang kanilang mga kasagutan:

Marian Rivera: “Excited ako na mag-work ulit dahil after ng Temptation [of Wife], seven months akong na-tengga, so ito na ‘yung pinakahihintay kong soap opera. Sisiguraduhin ko hindi ako magiging mahirap na katrabaho para sa inyo. Ako mismo ang magre-reach out sa inyo para mas maging mas masaya ‘yung set natin.”

Alden Richards: “Siyempre, very thankful po ako sa production ng GMA. Of course, Ms. Suzette [Doctolero], thank you po. Since One True Love, ‘yung soap po na sinulat niyo para sa amin ni Louise [de los Reyes], talagang nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho si Ms. Marian Rivera.”

Agot Isidro: “Siyempre, maraming salamat sa GMA for offering me a very good project. Noong inoffer sa akin ito, sabi ko, ang ganda ha. Gusto ko ‘yan. Siyempre, I wanna work also with Marian. I know that I’m in capable hands with [Direk] Dom [Zapata]. Na-eexcite din ako sa idea na si Alden ang partner ni Marian. I’m also excited to work with my new co-actors, si Ms. Laurice Guillen na nagwoworkshop sa akin before. Ngayon kasama ko na, so nakaka tense nga, in fairness. Let’s give our all. Ibigay natin ang not just 100 or 150 but 300 percent sa trabaho.”

Roi Vinzon: “Direk Dom, thank you so much. First time kong makatrabaho si Direk sa My Husband’s Lover and it became a big success. Hindi pa man natatapos ang My Husband’s Lover noon, nabigyan na ako ng kasunod na project, at ito na nga ‘yun. Excited na ako dahil makakatrabaho ko si Ms. Marian Rivera, at sa mga co-actors ko na siguradong magiging bagong friends ko. Salamat.”

Rochelle Pangilinan: “Thank you sa cast and staff. Nakakaexcite magtrabaho kasi ang ganda ng istorya. Ang lalim ng storya, naprepressure ako at naeexcite na hindi ko maintindihan. Nae-excite din ako kay Direk Dominic at kay Ms. Laurice.”

Ana Feleo: “I’d like to thank GMA. From the last soap that I did na Amaya, wala akong masabi kundi sobrang grateful. Ang sarap nila talagang katrabaho, and now kasama ko again si Marian and si Alden and si Ms. Agot. For the first time, makakasama ko ang mommy ko (Actress-Director Laurice Guillen) sa soap. Medyo kinakabahan ako kung matitiis ba niya akong hindi i-coach, pero sobrang grateful talaga ako.”

Huwag palampasin ang Carmela ngayong 2014 sa GMA Telebabad. Para sa karagdagang updates sa inyong mga paboritong Kapuso stars and shows, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com