
Sa ikalawang linggo ng The Wolf.
Pagkatapos ng pagpaslang sa ama niya, hawak na ng masasamang-loob si Ma Zhai Xing. Nang subukan siyang pagsamantalahan ng isa sa mga masasamang-loob ay saka naman dumating si Prinsipe Yue upang iligtas siya.
Kaagad namang nakilala ni Ma Zhai Xing si Prinsipe Yue bilang ang taong-lobo ng kanyang kabataan. Hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin at ibinuhos ang lahat ng kanyang kalungkutan sa kanya. Ngunit itinanggi ni Prinsipe Yue ang koneksyon nilang dalawa.
Salamat sa kanyang pagligtas kay Ma Zhai Xing, naiwasan ang isang digmaan. Nadiskubre rin kung sino ang nagplano ng pagpatay sa ama ni Ma Zhai Xing at pagpaslang sa kanyang ama.
Sa di inaasahang pagkakataon ay napag desisyonan ng emperador na ipakasal si Ma Zhai Xing kay Prinsipe Yue, isang idea na tinanggihan ng prinsipe. Mabilis naman na nag-isip ng paraan si Ma Zhai Xing na ma-delay ang kanilang pagpapakasal sa pamamagitan ng pappangako na pakakasalan lamang niya ang prinsipe kapag natalo na ang kanilang kalaban.
Dahil sa utos ng emperador, ang sugat na natamo ni Ma Zhai Xing noong ipinaglalaban niya ang kanyang kababata na taong lobo ay naagrabyado. Upang mailigtas siya, nakiusap ang isa sa kanyang mga kasama kay Prinsipe Yue upang mailigtas ito. Sa pamamagitan nito ay lumabas ang katotohanan kung ano ang nangyari sa pagitan ni Ma Zhai Xing at ng prinsipe ilang taon na ang nakakalipas.
Tinungo ni Prinsipe Yue si Ma Zhai Xing upang iligtas siya. Kahit labag ito sa utos ng emperador, iniligtas ng prinsipe ang prinsesa mula sa kanyang kaparusahan.
Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.