Showbiz News

Magpakailanman presents “The Veronica Martinez Story”


Kapag ang isang magulang ay tumanda, sino ang may responsibilidad na alagaan siya? Paano naman ang mga taong tumanda nang walang nagiging anak?

Ngayong Sabado, samahan natin si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pagkilala kay Veronica "Ning" Martinez, ang kinikilalang Lola Putol, tindera ng mga basura sa siyudad ng Maynila.

Matandang dalaga. Hindi ikinasal. Pero may anak, may mga apo. Paano nangyaring ang babaeng hindi pinagpala sa pag-ibig ang naiwanan para mag-alaga ng mga batang hindi naman siya ang nagluwal? At sa kaniyang pagyakap sa inakong responsibilidad, ano ang gagawin ni Ning kapag malaman niyang may breast cancer pala siya--at maaari siyang mawala sa buhay ng mga batang ipinangako niyang aalagaan at mamahalin?

Alamin ang kaniyang kuwento, sa natatanging pagganap nina Ms. Rita Avila at Ms. Gloria Romero, sa pre-Christmas presentation ng Magpakailanman.

Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko.