Showbiz News

Danny Javier ng Apo Hiking Society, pumanaw na

By Nherz Almo

Pumanaw na si Danny Javier, 75, isa sa mga miyembro ng kilalang trio na Apo Hiking Society.

Ayon sa ulat ng GMA News, ito ay kinumpirma ng anak ni Danny sa pamamagitan ng Facebook post ngayong Lunes, October 31. “Complications due to his prolonged illnesses" umano ang dahilan ng pagkamatay ng batikang singer.

Kaugnay nito, humiling ang pamilya ni Danny ng privacy habang inaayos pa ng pamilya ang burol ng yumaong OPM singer. Gayunman, lubos ang pasasalamat nila sa lahat ng nagpaabot ng pakikipagdalamhati.

"Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya,” sabi ng anak ni Danny sa Facebook post.

Samantala, bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa social media kasunod ng balitang pagpanaw ni Danny.

Kabilang na rito ang post ni Buboy Garavillo, ang co-member ni Danny sa Apo Hiking Society.

Aniya, Just feeling the loss of an old faithful friend who knew what love is although sometimes it just doesn't show. My friend lives on in his music.

Narito ang ilang pang mga personalidad na nakidalamhati sa pagpanaw ni Danny Javier:

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA PERSONALIDAD NA PUMANAW NGAYONG 2022: