GMA Logo SB19 boy band
What's Hot

New York concert ng SB19, dinagsa ng international fans

By Aimee Anoc
Published November 7, 2022 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Plaint up vs 14 brgy officials, workers for alleged cash aid modus
Small exchange gifts paandar sa Christmas parties o reunions, kinaaaliwan
PAWS reacts, calls on witnesses to the brutal killing of Axle

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 boy band


Dinagsa ng fans ang katatapos lamang na New York concert ng SB19, na ang iba ay mula pa Canada, Caribbean, at United Kingdom.

Matagumpay ang katatapos lamang na New York concert ng phenomenal Pinoy boy band na SB19, na ikalawang destinasyon ng kanilang WYAT (Where You At) world tour.

Dinagsa ng international fans ang Palladium Times Square noong Sabado, November 5, kung saan nag-aalab na ipinakita ng grupo ang kanilang husay at galing.

Proud Filipino moment naman ito para kay Philippine Consul General in New York Elmer Cato na kabilang sa mga nanood ng concert. Ayon sa consul general, ang ibang fans na dumalo ay galing pa ng Canada, Caribbean, at United Kingdom.

"SB19 did the Philippines proud this evening with their successful concert in Times Square that was packed by fans some of who came all the way from Canada, the Caribbean, and even the United Kingdom. Mabuhay ang SB19! Hoping to see you in Milan next year," sulat niya.

Kabilang sa mga kantang ipinerform ng SB19 ay ang "Mapa," "Hanggang Sa Huli," "What," at ang latest single nilang "WYAT."

Sa Twitter, ipinarating ng grupo ang kanilang pasasalamat sa lahat ng nanood at sumuporta sa kanilang world tour. Sulat ng SB19, "That show was definitely a blast! A huge thank you to all of you for coming. We hope that ain't the last. See you in the future!"

Sunod na bibisitahin ng SB19 ang Los Angeles (November 12), San Francisco (November 18), at Singapore (November 27) na bahagi rin ng kanilang WYAT world tour.

MAS KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP SB19 SA GALLERY NA ITO: