GMA Logo The Wolf
Photo source: GMANetwork YouTube channel
What's Hot

The Wolf: Para sa pag-ibig | Week 4

By Ron Lim
Published November 8, 2022 8:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

The Wolf


Sa ika-apat na linggo ng 'The Wolf,' mapipilitan ang prinsipe na itakwil si Ma Zhai Xing upang maprotektahan siya.

Sa ika-apat na linggo ng The Wolf, mapipilitan si Prinsipe You Wen na itulak palayo sa kanya si Ma Zhai Xing upang masiguro ang kanyang kaligtasan.

Natunton na ni Ji Chong ang utak sa likod ng pagdakip ng prinsesa at nagbayad sa kanya at sa mga kasamahan niya upang gawin ito. Ito ay walang iba kundi si Prinsipe Chu You Gui. Bagama't sinasabi niya na wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa loob ng palasyo, ginamit niya ang kanyang nalalaman upang humingi ng 10,000 ginto mula sa prinsipe.

Salamat sa tulong ni Ji Chong, naibaling ni Prinsipe Chu You Gui ang mga hinala tungkol sa kanya patungo sa punong ministro. At dahil sa husay niya sa pagsisinungaling, napaniwala niya ang emperador na wala siyang papel sa pagdakip ng prinsesa.

Samantala, isang masamang panaginip ang gumagambala kay Prinsipe You Wen, kung saan ay kanyang napatay si Ma Zhai Xing. Mukhang ipinahihiwatig ng kanyang panaginip na walang magandang patutunguhan ang nararamdaman nilang dalawa sa isa't-isa.

Sa unang pagtatagpo ni Ji Chong at Prinsipe You Wen, hindi maiwasang isipin ng Prinsipe na hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito. Ngunit dahil sa alagang agila ni Ji Chong, napaniwala niya ang prinsipe.

Dahil sa kagustuhan na mapanatiling ligtas si Ma Zhai Xing mula sa emperador, ginawa ni Prinsipe You Wen ang lahat upang kamuhian siya nito. Kasama na rito ang pagsabi na kaya lamang siya sumama kay Ma Zhai Xing ay dahil pinagsama sila ng emperador.

Naging matagumpay si Prinsipe You Wen sa pagtulak papalayo kay Ma Zhai Xing, kahit pa labag din ito sa kanyang kalooban. Nangako din si Ma Zhai Xing na walang malalaman ang emperador tungkol dito.

Habang nagpapatuloy ang kanilang paglalakbay ay palihim na inatake si Prinsipe You Wen at ang kanyang mga tauhan. Dahil sa sorpresang ito, nagawang mahuli ng mga kalaban ang prinsipe.

Sa kabutihang palad, bumalik si Ma Zhai Xing upang iligtas si Prinsipe You Wen mula sa mga kalaban. Ngunit dahil dito, kritikal na nasugatan si Ma Zhai Xing ng pana ng kalaban. Ngayong nahaharap na sa posibilidad na mawala si Ma Zhai Xing, hindi maiwasan ng prinsipe na mangamba.

Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.