Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: Ang pagkikita | Week 1

By Kristian Eric Javier

Nagsimula nang ipalabas sa GMA ang romantic drama series na Put Your Head on My Shoulder at sa pinakaunang episode nito ay nagkita na sa wakas si Molly (Xing Fei) at ang lalaking pinapangarap niya na si Perry.

Nagkita na rin sina Molly at Wayne (Lin Yi). Si Wayne ay ang tahimik at matalinong estudyante na nakabunguan ni Molly habang sakay ng bike na naging dahilan para magkapalit sila ng bag.

Dahil dito ay hindi nakapag-exam si Wayne dahil wala ang exam pass niya. Habang si Molly naman ay hindi natanggap sa advertising firm kung saan siya nag-apply dahil wala ang kaniyang portfolio.

Nagpasundo si Molly kay Perry pero hindi ito dumating at napilitan mag-commute si Molly. Sa kasamaang palad ay ninakawan si Molly at nakaladkad pa ito, na naging dahilan para magkasugat siya sa braso.

Wala man si Perry, to the rescue naman si Wayne para dalhin si Molly sa ospital. Pero sa kotse pa lang, ipinakita na ni Wayne ang softer side niya nang tulungan niya si Molly linisin ang sugat nito.

Sinubukan din ni Molly mag apply sa isang agency pero sa kasamaang palad ay hindi siya tinanggap dahil malayo ang course niya sa trabahong gustong pasukin.

Malungkot man si Molly sa kinahinatnan ng kaniyang job application, kasama naman niya ang mga kaibigan niyang nakasuporta sa kaniya.

Nalaman rin ni Molly ang tunay na katauhan ni Wayne na isa siyang matalinong estudyante, tahimik at perfect na lalaki ayon sa mga kaibigan niya.

Bukod doon, nalaman din ni Molly ang kinakaharap ni Wayne na ginawang bad example dahil hindi niya dala ang exam pass.

Dala ng kalasingan, hindi maalala ni Molly ang nangyari nung nakaraang gabi at kinaumagahan, pinuntahan siya ni Perry para kumustahin. Dito kinuwento ni Perry kung papaano siya niyakap ni Molly at sinubukan pa raw halikan. Pero kita sa mukha ni Molly na naiinis at nahihiya siya sa kaniyang ginawa.

Pero kahit ganun ang nangyari, nakuha pa rin ni Molly sa wakas ang inaasam niyang trabaho sa isang advertising company. Mahirap man ang trabaho pero handa siyang ibigay ang lahat ng makakaya niya.

Pero dahil malayo, hirap si Molly mag-commute papunta at pauwi ng trabaho kaya napagdesisyunan ng mama niya na patirahin siya sa mas malapit na dorm.

Dito na magsisimula ang love story at adventure nina Molly at Wayne.

Patuloy na abangan ang Put Your Head on My Shoulder, weekdays ng 5:00 p.m. sa GMA.

KILALANIN SI XING FEI, ANG GUMANAP BILANG SI MOLLY SA PUT YOUR HEAD ON MY SHOULDER: