Showbiz News

Ana Feleo, napahanga sa mga sumali sa Sparkle Prime Workshop

By Maine Aquino

Puno ng paghanga ang acting coach na si Ana Feleo sa mga sumali sa ginanap na Sparkle Prime Workshop.

Ayon kay Ana, ramdam niya ang passion ng kanyang mga estudyante sa pag-arte.

PHOTO SOURCE: anagfeleo

Inilahad ni Ana sa ulat ni Cata Tibayan na pareho ang lesson na itinuro niya sa mga Sparkle artists at mga workshoppers.

"Kung ano 'yung training namin sa mga actors na naka-sign with us, 'yun na rin ang ibibigay natin sa public workshoppers."

Dagdag pa ng acting coach, nakaka-inspire ang talento at dedikasyon ng mga nag-enroll sa Sparkle Prime Workshop.

"'Yung lesson plan ko na 12 day lesson plan, day five pa lang, tapos na nila sa sobrang gutom nila. Sobrang gusto nila, gutom na gutom sila sa artform na ito. So nakaka-inspire din.

Isang post na ibinahagi ni Ana Guillen Feleo (@anagfeleo)

Naghahanda na rin ang Sparkle sa summer workshop para sa 2023. Ibinahagi ito ni Sparkle Assistant Vice President for Talent Management Group Joy Marcelo.

Ayon sa GMA Network executive, umaasa silang marami pang lumahok sa Sparkle Workshop.

"Hopefully, next year we can see more participants so join us and be one with Sparkle. You'll never know baka kayo 'yung next na Sparkle artist."

Panoorin ang ulat na ito:

BALIKAN ANG GINANAP NA SPARKLE SPELL HALLOWEEN PARTY: