Showbiz News

Carmina Villarroel, binalikan ang pinakamasakit na sampal na kanyang naranasan sa eksena

By Maine Aquino

Isang hindi malilimutang sampalan scene ang ibinahagi ni Carmina Villarroel sa kanilang podcast na "Wala Pa Kaming Title".

Ayon sa Sarap, 'Di Ba? host ito ang pinakamasakit na sampal na naranasan niya sa eksena. Ibinahagi niya ito sa mga kaibigan na sina Candy Pangilinan, Gelli at Janice De Belen.

PHOTO SOURCE: YouTube: Just Gelli

Ani Carmina, "May buwelo, 'yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor."

Hindi pinangalanan ni Carmina ang kanyang kaeksena ngunit ibinahagi niya ang naramdaman niya nang nangyari ito.

"Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imagine-in mo may buwelo," pag-amin ni Carmina.

Ayon pa kay Carmina ay nagpapasalamat siya na mayroon siyang presence of mind para hindi na ulitin ang eksena.

"Nahulog ako sa silya. Buti may presence of mind ako na tumayo ako kasi baka ma-take two e ayoko kasi ang sakit."

Panoorin ang kuwento ni Carmina dito:

TINGNAN ANG BEAUTIFUL PHOTOS NI CARMINA DITO: