Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: Pagsisimula ng love triangle | Week 2

Sa wakas, nasa iisang dorm na sina Molly at Wayne. Ito na kaya ang simula ng kanilang love story?

Sa Put Your Head On My Shoulder noon nakaraang linggo, ipinakita ni Wayne ang itinatago niyang kabaitan kay Molly nang bigyan niya ito ng gamot dahil sa sakit ng tiyan. Nang mawalan ito ng malay matapos inumin ang gamot, agad na tumawag si Wayne ng ambulansya para siguradong maaalagaan ng tama si Molly.

Hindi naman mag papahuli si Perry at pinuntahan din niya si Molly para kumustahin. Kaya lang, dito niya nalaman na "boyfriend" pala ni Molly si Wayne.

Nilinaw naman nila na mali lang ang akala ng doctor na nag alaga kay Molly. Nagsimula na rin magpakita ng interes si Perry kay Molly. Dito na ba mag sisimula ang love triangle nila Molly, Wayne at Perry?

Dahil sa pagiging close nila Perry at Molly, lumabas ang pagiging cold-hearted ni Wayne. Nalaman na rin sa wakas ni Perry na sa iisang dorm lang nakatira sina Wayne at Molly at unti-unti siyang nakaramdam ng selos.

Sa dorm, ibinababa ni Wayne ang pagiging cold-hearted niya at nakipag kulitan kay Molly sa pagkain ng pakwan. Dito, ipinakita ni Wayne na hindi naman talaga siya cold-hearted.

Balik sa trabaho, sinama si Molly ng boss niya sa kumpanyang pinapangarap niya. Dito nakakita siya ng cute na concept ng company at ipinakita niya ang interes sa advertising.

Kaya lang, inistorbo siya ng mama niya para sabihin na pupunta sa dorm nila. Sa dorm, nagising ng bangayan nila Molly at ng mama niya si Wayne pero kahit ganun ay hindi siya nagpakita ng pagkainis. Naghanda naman ang mag-ina ng agahan at sabay silang tatlo kumain, kung saan nakita uli ni Wayne ang cute side ni Molly.

Sa school, nakita ni Wayne sa bag niya ang ibinigay ni Molly na walnuts. Napangiti siya dahil sa pagiging thoughtful at maalalahanin ni Molly sa kanya.

Nag sisimula na and budding romance nila Wayne at Molly at nag uumpisa na rin mapansin ni Perry ang namumuong romance sa pagitan ng dalawa. Ito nga ba ang simula ng love triangle nila?

Ano nga kaya ang magiging resulta ng love triangle nila Molly, Wayne at Perry? Abangan ang budding romance nilang tatlo sa Put Your Head on My Shoulder, 5 p.m. sa GMA.

KILALANIN PA ANG BIDANG SI LIN YI SA GALLERY NA ITO: