Showbiz News

Boy Abunda: 'I wanna go back to television'

By Nherz Almo

“I wanna go back to television.”

Ito ang paulit-ulit na sambit ni Boy Abunda nang tanungin tungkol sa usap-usapang paglipat niya ng home network.

Hindi na naiwasan ng tinaguriang King of Talk ang paksang ito sa launch ng kanyang bagong endorsement, ang international remittance app na Sendwave, na ginanap nitong Lunes, November 14.

Ayon kay Boy, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipag-usap niya sa iba't ibang organisasyon para sa pagnanais niyang makabalik sa telebisyon.

Aniya, “Hindi ko itatatwa na may mga pag-uusap sa iba't ibang istasyon, sa iba't ibang mga tao. Pero wala pa. I have not signed a contract. I am in conversation with various groups.”

Aminado ang veteran host na hindi magiging madali para sa kanya ang gagawin niyang desisyon kung sakali.

Katuwiran niya, “I value relationships. That makes this whole process difficult. Nag-umpisa ako ng karera ko sa Channel 7. Parati kong sinasabi na doon ako natutong maglakad. Natuto akong lumipad sa ABS-CBN. Madaming tumulong sa akin, I did not do this alone. Ang hirap talaga dahil ang dami kong relasyong pinangangalagaan.”

Matatandaan na unang nakilala bilang talkshow host si Boy sa programang Show & Tell sa GMA Network noong 1994. Ilang taon din siyang nakasama bilang host sa showbiz talk show na Startalk, bago siya lumipat sa ibang TV network noong 1999.

Sa kanyang pagdedesisyon, sabi ni Boy, magiging importante raw ang pagpapahalaga sa kanyang mga nagawa na sa industriya.

Paliwanag ni Boy, “Yung nauunawaan kung nasaan ako. Kasi, hindi naman ako 20 years old. I'm not starting a career on television. I've been doing this for like, kasingtagal n'yo rin. Malapit na akong malaos. Let's be honest, for lack of a better word, all of us go. If there's [an] immutable law in the business, it is that nothing lasts forever. So, I'm at that stage where I wanna go back to where I wanna be able to do what I do best.”

GOING DIGITAL

Samantala, aminado si Boy katulad ng karamihan, hindi rin naging madali ang buhay niya noong magsimula ang pandemya.

Sa katunayan, aniya, nakaranas siya ng clinical paranoia noon.

“Like everybody else, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Takot, it was very uncertain,” sabi ni Boy.

“The uncertainty is not just about life, but also a lot of people close to us were dying, parang hindi na yata biro ito. Ako, talagang clinical paranoia, 'What's gonna happen to me? What's gonna happen to my family?' Una, yung naging concern ko yung kalusugan, so tago ako nang tago. Kadalasan I was in Samar, in Tagaytay or in my farm in Lipa [Batangas]. I was spending a lot of time doon sa mga lugar na walang masyadong maraming tao. Hirap na hirap na hirap.”

Malaki ang pasasalamat ng kilalang TV host na matagumpay siyang nakatawid sa digital platform noong kasagsagan ng pandemya.

“Ako'y napunta sa digital platforms by circumstance, by default, 'di ba? Hindi naman ako digital expert, 'di naman ako digital native. Natuto ako because I want to do my interviews.

“Sa awa ng Diyos, napagbigyan tayo nang kaunti, napagbigyan tayo nang malaki, actually.”

Dagdag pa niya, “Mabait ang Diyos, natuto akong mag-digital. I went to Facebook, to YouTube, and then, a couple of months ago, I tried Tiktok. It's because I wanted to do my interviews.

“Sabi ko nga noon, magkaroon lang ako ng five or 10 thousand subscribers sa YouTube, okay na ako, huwag lang tatanggalin sa akin ang gusto kong makapag-interview, gusto kong magkaroon ng pagkakataong gawin ang ginagawa ko sa telebisyon.”

Sa kabuuan, unti-unti naman daw nakapag-adjust si Boy sa “new normal.”

“Nag-adjust din pero nadaan sa dasal. Hindi ko alam kung paano. Mahirap pero palagay ko mayroon tayong lahat niyan, e. you will survive,” sabi ni Boy.

Kung sakaling matuloy ang pagbabalik-telebisyon, nais ipagpatuloy ni Boy ang kanyang digital platforms, bagay na sinasang-ayunan naman daw ng kanyang mga nakakausap sa ngayon.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA DATING KAPAMILYA NA KAPUSO NA NGAYON DITO: