Showbiz News

'JulieVerse' concert, personal daw para kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

By Marah Ruiz

Inilarawan nina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at dancer and actor Rayver Cruz bilang "personal" ang kanilang upcoming concert na JulieVerse.

Hinarap nina Julie at Rayver ang ilang piling miyembro ng media sa isang virtual press conference ngayong araw, November 19.

Ayon sa dalawa, maipapakita raw nila sa concert ang ilang bagay na hindi pa nila naipapakita sa mga numbers or performances nila sa mga shows tulad ng All-Out Sundays.

"Dahil kasama ko si Ray, 'yung mga ginawa namin pagka magkasama kami, hindi sa trabaho, 'yung mga jamming namin, ishe-share namin sa mga tao. 'Yung journey namin as artists, as people, ishe-share namin sa mga fans namin. I could say na personal siya for the both of us so extra special," pahayag ni Julie Anne.

Masaya raw siya na mas marami na ang performances nila together ni Rayver sa concert kumpara sa nakita sa naunang concert series na Limitless.

"Itong JulieVerse concert, you will be seeing more of our performance together. Kasi noong nag-guest last time si Rayver sa Limitless, medyo partial lang 'yung production number na ginawa niya, 'yung numbers na ginawa rin namin. At this point in time, mas marami kayong makikita na mga numbers namin together," kuwento ni Julie Anne.

Kaya naman daw very proud siya sa nakita niya mula kay Rayver.

"I just want to commend Ray kasi nakaka-proud at hindi ko in-expect na ang dami niyang kayang gawin. Limitless din pala ang kaya niyang gawin. I'm so excited na makita din ng ating mga audience especially ng mga supporters kung gaano ka-talented din si Ray. Its always fun naman to be performing with him," bahagi ni Julie Anne.

Bukod sa kaabang-abang na performances nina Julie at Rayver, may iba't ibang booths din sa concert para ma-try ng mga manonood ang iba't ibang mga fun activities.

"It's gonna be fun. It's gonna be entertaining. Experiential 'yung concert kasi hindi lang perfomances 'yung makikita nila doon sa mismong venue. Maraming mga activities din doon. We also want our audience and our supporters to be involved sa mismong concert," lahad ng singer-actress.

Makakasama naman nina Julie at Rayver sa concert ang kanilang mga good friends at kapwa Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

"Of course, nakaka-excite lalo kasi siyemrpe hindi lang naman kami, kasama namin ang MavLine kaya doble doble talaga 'yung kilig na mararamdaman nila dito sa JulieVerse," ani Rayver.

Itatanghal ang Julieverse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Para sa tickets at iba pang impormasyon tungkol sa concert, bumista lang sa www.gmanetwork.com/synergy or kaya naman sa www.ticketworld.com.ph.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEESTEST PHOTOS NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT RAYVER CRUZ SA GALLERY NA ITO: