Ipinakilala na sa story conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Bossing ang kanyang mga makakasamang naglalakihang bituin.
Kasama ni Vic Sotto sina Maine Mendoza, Coco Martin, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola, Ryza Cenon, Arjo Atayde, Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III at Ronaldo Valdez sa direksyon ni Direk Mike Tuviera.
Unang beses na makakasama ni Phenomenal Star Maine Mendoza si King of Philippine Independent Films Coco Martin.
Si Phenomenal Star, makakasama sa big screen sina Ronaldo, Cherry Pie at Tirso.
Sila kaya ang 'Da PulisCredibles na sina Jack, Em at Popoy?
Spotted sa story conference kahapon, July 28 ang dating 'Ika-6 Na Utos' kontrabida na si Georgia.
Makakasama rin sa pekilula si Aleng Maliit at ang kanyang Kuya Jose.
Ito 'yata ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawang Ryza/Ryzza.
Isang masayang Pasko ang nakikita ng cast sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre 25.
Naki-chika sa story con si GMA entertainment correspondent Lhar Santiago.
'Jack Em Popoy 'Da PulisCredibles,' coming soon!