
Labing pitong taon na ang nakararaan nang unang napanood ang iconic fantasy series Encantadia kung saan tampok ang apat na diwatang tagapangalaga ng brilyante ng apoy, hangin, tubig, at lupa na kung tawagin ay mga Sang'gre.
Nasundan pa ito ng dalawang installment na pinamagatang Etheria (2005-2006) at Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas (2006) due to popular demand.
Noong 2016, binigyan ng bagong bihis ng GMA Entertainment Group ang kinagigiliwang Encantadia sa reboot nitong may parehong pamagat na nagkaroon ng mga bagong tagaganap na sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya.
Hanggang ngayon, damang-dama pa rin ang suporta ng mga tagahanga ng Encantadia na tinawag na "Encantadiks." Pruweba diyan ang tumataginting na dalawang bilyong views nito sa TikTok. Mayroon na ring 1.6 million likes at three million followers ang official Encantadia Facebook page.
Sa pagsisimula ng 2022, naglabas ang GMA ng teaser ng pinakabagong spin-off ng Encantadia na pinamagatang Sang'gre.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino nga ba ang gaganap sa coveted role.
Nagbahagi na rin ang dating mga Sang'gres na sina Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya ng kanilang excitement sa bagong palabas.
Babalik si Mark Reyes bilang direktor ng bagong installment ng Encantadia. Kabilang din sa creative team ng fantaserye ang creative consultant ng GMA at National Artists of the Philippines for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee, at ang Encantadia creator na si Suzette Doctolero.
SAMANTALA, BAGO PA MAPANOOD ANG INAABANGANG SANG'GRE, BALIKAN ANG CAST NG ENCANTADIA (2016) DITO: