Showbiz News

Lianne Valentin as a Kapuso: 'It's a privilege to be here sa GMA Network'

By Maine Aquino

Puno ng saya ang aktres na si Lianne Valentin sa kaniyang pag-renew ng kontrata bilang Kapuso sa “Signed for Stardom.”

Ang “Signed for Stardom” contract signing event ay ginanap noong November 22 sa GMA Network Center.

Sa interview ng GMANetwork.com ay inilahad ni Lianne ang kanyang bagong milestone bilang Kapuso star.

"I am very very happy. It's a privilege to be here sa GMA Network,” aniya.

PHOTO SOURCE: @lianne.valentin

Paliwanag pa ni Lianne, "Dito ako nag-start-- I was 9 years old noong nag-start ang Tropang Potchi. GMA na talaga ako ever since I was a kid."

Para kay Lianne, masaya siya at proud siya bilang isang Kapuso. "Ang tagal ko na sa GMA and I am very very happy dito sa family ko sa GMA. Sobrang ecstatic ako."

Sa Instagram post naman ni Lianne ay inilahad niya ang pasasalamat niya sa GMA Network at Sparkle GMA Artist Center.

"The experience was magical. Thank you for always believing in me @sparklegmaartistcenter and @gmanetwork…To many more victories! #ProudToBeKapuso," sulat ni Lianne sa caption.

Congratulations, Lianne!

Kilalanin pa natin ang Kapuso star na si Lianne sa online exclusives na ito:


SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NI LIANNE: