Showbiz News

Gladys Reyes, excited na maging isang sea witch


Mapapanood muli sa primetime ngayong 2014 ang primera kontrabida na si Gladys Reyes. Nagtapos sa mataas na rating ang huli niyang programa sa Afternoon Prime na Pyra Babaeng Apoy. At ngayong bagong taon, muli niyang ipapamalas ang kanyang husay sa pag-arte sa GMA Telebabad.
 
“Ito po ako, fresh na fresh from Pyra. Meron na ulit akong bagong mai-offer sa inyo,” masayang ibinalita ni Gladys sa aming panayam noong story conference ng Kambal Sirena.
 
Isa siyang sea witch sa programang pagbibidahan nina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica. Ito ang unang pagkakataon na gagampanan niya ang pagiging sirena. “Excited ako at the same time may takot kasi hindi naman talaga ako swimmer,” pagbahagi niya.
 
Dagdag pa niya, “For the first time, gagampanan ko ang role na merong costume na buntot. Kung paano aarte na may harness pa, challenging siya.”
 
Makakasama ni Gladys ang mga beteranong artista sa palabas na ito na kinilala sa kani-kanilang henerasyon. “Excited ako to work with veteran stars again, kay Tita Tessie [Tomas], Tita Nova [Villa], Miss Lotlot [de Leon] and Miss Chanda Romero. Ang ganda ng casting, gustong-gusto ko.”
 
Kabilang din sa cast ang kanyang kaibigan na si Angelika de La Cruz at ang kanyang co-star sa Pyra Babaeng Apoy na si Polo Ravales. “Reunion ko ito with Angelika. I’m working with Polo again after Pyra. Nakakatuwa,” masaya niyang sabi sa amin.
 
Ngunit first time niya naman makakatrabaho ang leading lady ng Kambal Sirena na si Louise delos Reyes,
 
“From her successful shows, ito ang muling pagbabalik ni Louise. It’s my first time to work with her. Kaya kaabang-abang talaga ito.”
 
Bago ang konsepto ng istorya ng Kambal Sirena, “parang ngayon lang merong kambal na sirena, ‘yong isa ay tao.”
 
Ayon kay Gladys, hindi dapat palampasin ng mga Kapuso viewers ang Kambal Sirena dahil:
 
“Unang-una, kung paano magtataray ang isang sirena. Anong klaseng sirena ba ako? Ako ba’y hito, tilapia? Kasi black mermaid or sea witch, so ano’ng klaseng sea witch creature ako. Makakalaban ko rito si Angelika dela Cruz na kaibigan ko sa totoong buhay, kaya abangan n’yo ‘yong banter namin.”
 
Abangan ang Kambal Sirena sa GMA Telebabad ngayong 2014. Para sa updates ng paborito niyong shows at mga artista, mag-log on sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.